First time kong mag byahe going to samar at nandito ako
sa barko papuntang catbalogan habang sinusulat ko ang post na ito. Excited ako for no
reason at all na dapat maging anxious ako dahil I’m not so sure kung alam ko
ang gagawin ko doon kinabukasan.
Heheheh. Nung lumabas ako para bumili ng maiinom, nagkataon na padaan
kmi sa ilalim ng mactan bridge kaya naalala ko ang huling byahe ko galing
leyte.
Feeling so exhausted ako that time sa kakahanap ng fastest route pabalik
ng cebu dahil may flight pa ako early morning the next day. Na ulanan nko at hindi nkapag dinner but despite all those misfortunes may maganda din akong nkita that night at yun ang gusto kong ikwento. Umalis ang barko ng Baybay Leyte bandang 8:30pm at ang estimated time ng arrival ay 3am. pag gising ko ng bandang 2am para mag cr, which
happens na ang cr ay nasa pinaka back part ng barko, na mesmerize ako ng nakita
ko ng lumabas ako ng cr. That exact time na lumabas ako, kakadaan lang barko sa
ilalim ng mactan bridge, di ko ma explain, basta sobrang ganda, parang a giant
structure glowing in dark and staring down at me. Biglng nawala ang antok ko
at nag panic para ma picturan ko ang nakita ko, Sadly, di ko nadala kahit ang cellphone kong
lowtech. Kaya ayun hanggang tingin nlng ako. Lesson learned, pag nag babyahe
magdala always kahit lowtech lng na camera sa cellphone, you’ll never know when
you’ll see something that will amaze you….